Abante Tonite Interactive

Kamara raratsadahin ang pagbuwag sa Road Board

1,190

Aatupagin at papaspasan ng Kamara ang pag-apruba sa panukalang bubuwag sa Road Board.

Sa pamamagitan ng pagbuwag sa naturang tanggapan ay inaasahang masasawata ang diumano’y hindi wastong paggamit sa nakokolektang road user’s tax ng gobyerno.

Sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso nga­yong Martes, Mayo 15, ini­hayag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House committee on good government and public accountability, na tatrabahuhin ng Kamara ang pag-apruba sa House Bill (HB) No. 6236 na inihain at pangunahing ini­akda ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Abante Hiring – IT dep

Pakay ng nasabing panukala na buwagin na ang Road Board at isalin ang tungkulin nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr).

“The Road Board is allegedly a source of corruption for some of its officials since it was established and I totally agree with the proposal for its abolition. Many previous officials of the Road Board have allegedly amassed millions of pesos thru kickbacks,” pahayag ni Pimentel na isa rin sa nag-akda ng panukala.

Ayon naman kay Alvarez, nadiskubre ng Commission on Audit (COA) ang hindi tamang paggugol sa road fund na tinatayang umaabot sa P90.72B mula 2001 hanggang Disyembre 2012.

“Obviously, the Road Board is just another layer of bureaucracy, which became another avenue for graft and corruption,” ani Alvarez. ­