Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara sinita DOH sa benepisyo ng mga frontliner

0 224

Nanawagan ang isang kongresista sa Department of Health (DOH) na bilisan ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health care worker na nahawa ng COVID-19.

Ayon kay Manila Rep. Manny Lopez, chairperson ng House committee on Metro Manila Development Authority, inilalagay sa panganib ng mga health care worker hindi lamang ang kanilang buhay kundi maging ang mga miyembro ng kanilang pamilya kapag pumapasok ang mga ito para gamutin ang mga nahawa ng COVID-19.

Batay sa datos ng DOH hanggang noong Marso 26, umabot na sa 15,662 health care worker ang nahawa ng COVID-19 at 82 sa mga ito ang namatay.

“Considering the current surge of infections, particularly in Metro Manila, this number has definitely increased,” sabi ni Lopez.

Hiniling ni Lopez sa DOH na ilabas ang datos kung ilan na sa mga health care worker na nahawa ng COVID-19 ang nabigyan na ng benepisyo, ilan ang naghihintay pa na mabayaran at ilan ang na-disqualified na makatanggap. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.