Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamara tatapusin pagbakuna bago mag-SONA

0 202

Target ng Kamara na mabakunahan lahat ng mga empleyado ng kapulungan laban sa COVID-19 bago ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.

Ayon kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III, head ng House CongVax Program, umabot na sa 1,600 empleyado at kanilang mga pamilya ang nabakunahan na ng Kamara mula noong Mayo 11.

Kabilang ang mga nabakunahan sa A2 at A3 priority group. Aabot sa 25,000 empleyado at kanilang pamilya ang babakunahan sa Kamara.

“Nawalan na ng supply after the first week kasi `yon lang po `yong pinadala ng ating national government pero may mga dumating na po muli kaya nakapagpatuloy na tayo. I think the first week mga 400 `yong nabakunahan natin ngayon umabot na sa 1,600,” sabi ni Garcia. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.