Abante Tonite Interactive

Kamatayan dinayo sa Batangas

291

Patay ang isang company driver na dumayo sa Batangas para mag-outing nang ito ay malunod sa beach resort sa Bayan ng Nasugbu noong Sabado nang hapon.

Sa report ng Nasugbu police, patay na nang dalhin sa ospital si John Aborido, 50, taga-Taguig City matapos na ito ay masagip sa dalampasigan ng Munting Buhangin beach camp, sa Brgy. Natipuan dakong alas-5:50 nang hapon.

Kasama umano ng biktima ang kanyang mga katrabaho na nag-company outing sa nasabing resort mula sa Metro Manila.

Ayon sa mga kasama­han ng biktima, nakai­nom ito nang magpasiyang maligo sa dagat kung saan nakita na lamang itong palutang-lutang matapos ang ilang minuto. (Ronilo ­Dagos)