Abante Tonite Interactive

Kamatayan hinarap nina itay, inay para mabuhay ang anak

618

Dahil sa pagprotekta sa kanilang 8-anyos na anak, nasawi ang mag-asawa matapos banggain ng rumaragasang trak ang sinasakyan nilang van Huwebes ng umaga sa Brgy. San Juan, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Kinilala ang mag-asawang sina James Oliver Marzan, isang OFW at misis nitong si Rho Ann Marza, kapwa 34-anyos at idineklarang dead on arrival sa Sta. Lucia District Hospital.

Patuloy namang nilalapatan ng ­lunas ang anak nilang si Michael Alfred Marzan.

Sa ulat ng Ilocos Sur Police, nangyari ang malagim na sakuna bandang alas-6:02 ng umaga.

Lulan ng Nissan van (NDQ-209) na minamaneho ng nasabing mister ang kanyang mag-ina nang aksidente itong mabangga ng Isuzu dump truck (URV 930) na minamaneho naman ni Geronimo Valdez Jr, 51.

Hindi na nakaiwas ang drayber ng van sa bilis ng trak kaya prinotektahan na lang nila ang anak na si Alfred. ­(Edwin Balasa)