Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamatayan tambay sa parke

0 280

Mga Ka-Misteryo may mga tao na nakakatiyempong makakita ng kamatayan o grim reaper, ang nilalang na sinasabing nangongolekta ng mga kaluluwa.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Nakagawian na nina Freddie at Susan ng Maynila na mag-bisikleta patungo sa isang parke, pero isang madaling araw, nasindak si Susan sa kanyang nakita…isang nilalang na may karit ang nakatambay sa lugar.

Iyan ang inusisa ng #Misteryo sa magkasintahan.

Misteryo: “Susan, sabi mo nakita mo may nilalang na may hawak na karit sa parke na yun? Kita mo ba buong hitsura niya?”

Susan: “Naku! Nakakatakot Ayaw ko na magpunta dun. Parang alam niya na nakikita ko siya. Para siyang anino pero kita ko may taklob ang ulo niya at mahaba na gutay-gutay ang suot niya pero walang mukha.”

Misteryo: “Freddie, Nakita mo rin ba nakita ni Susan? Anong ginawa mo ng makita ni Susan ang kamatayan?”

Freddie: Hindi ko nakita pero naramdaman ko enerhiya niya, mabigat at para akong nanlalamig.”

Misteryo: “Anong ginawa niyo ng magpakita ang grim reaper, bigla ba kayong lumayo? Hinabol ba kayo?”

Freddie: “Ang bilis namin nag-bike palayo sa lugar. Kinakabahan nga ako baka sundan kami. Pero nang lumingon kami pagkalayo namin, wala naman nakita si Susan.”

Misteryo: “Susan, first time mo ba makakita ng kamatayan o reaper?”

Susan: “May nakita na rin ako noon pero hindi tulad niya na may dalang karit at nakakatakot yung gutay-gutay na damit niya at nakalutang siya.”

Misteryo: “Kailan yung unang nakakita ka ng tulad niya? Ano ang pagkakaiba dito sa huling nakita mo?”

Susan: “Bata pa ko nung una ako makakita pero mas nakakatakot ito, walang makita sa mukha niya, madilim kasi pero alam ko sinundan niya ako ng tingin pagdaan namin malapit sa kanya. Kaya nagdarasal ako nun. Pero nung makalayo na kami, hindi naman siya sumunod.”

Kamatayan o grim reaper ay kilalang sundo ng mga namamatay. Kaya para sa akin hindi siya dapat katakutan pero aminin natin dahil nakatalukbong siya at may karit, hindi natin maiwasang matakot.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang website: www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.