Abante Tonite Interactive

Kamatis, pampaganda ng kutis

By
0 241

Masarap na sawsawan ang kamatis lalo na kung ang iyong ulam ay pritong isda. The best itong ka-partner ng tuyo at itlog na pula. Masarap din siyang sangkap ng ensalada.
Ginagamit panggisa at rekado rin sa mga sinaba­wang ulam. Bukod sa pagkain, may iba pang kapakinabangan ang ­kamatis at ito ay bilang pampaganda ng iyong kutis.
Ang kamatis kasi ay nagtataglay ng lycopene na ­siyang dahilan kung bakit red ang ­kulay nito.
Bukod sa lycopene ay nagtataglay din ito ng anti-oxidants.
Kaya naman mainam na panggamot ang kamatis sa mga problema ng ating balat.
Kung kakain tayo nito araw-araw ay siguradong unti-­unting gaganda ang ating kutis.
Lalo na kung gagamitin pa natin ito sa ating mukha, kasama ang iba pang ingredients gaya ng gram flour, honey, yogurt at turmeric. Ang isang hinog na kamatis, isang cup ng yogurt, kalahating kutsara ng honey, dalawang kutsara ng gram flour at maliit na piraso ng luyang dilaw, ang mga ito ay pagsasama-samahin at hahaluing mabuti.
Kapag malapot na ay ­puwede mo na itong ipahid sa iyong mukha.
Hayaan mo lang itong na­kababad sa iyong mukha ng labing-lima hanggang ­tatlumpung minuto bago mo ito ­banlawan.
Kapag nabanlawan mo na ay mararamdaman mo ang kakaibang freshness ng iyong mukha lalo na kung ito ay ­uulit-ulitin mo.
Maaari mo din itong i-­apply sa iyong katawan at masusu­bukan mo kung gaano ito ka-effective.
Kailangan lamang ay matiyaga mo itong gawin araw-araw o kung hindi man ay at least three to four times a week.