Abante Tonite Interactive

Kamay ni Hesus

0 216

Julius Segovia

julius-segoviaMahal na Araw, marami sa mga Katoliko ang nag-iisip na kung saan magandang pumunta para magnilay.

Isa na siguro sa inyong mga pinagpipilian ang Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon. Dito makikita ang isang malaking rebul­to ni Hesukristo sa iba­baw ng isang burol.

Medyo challenging ang pag-akyat sa tuktok dahil mahigit tatlong daang hakbang ang kailangan mong bunuin.

Para hindi mo mapansin at hindi masyadong mabigla sa aak­yatin, maaari kang mag-station of the cross habang papanhik. Isa rin kasi ito sa kanilang atraksyon dahil naglalakihan ang mga rebulto.

Binuksan sa publiko ang Kamay ni Hesus noong 2007 sa pa­ngunguna ng founder­ nitong si Fr. Joseph “Joey” Ayala Faller.

Walang pinipiling oras ang mga bumibi­sita rito. All-year round itong dinarayo ng mga deboto lalo na siguro ngayong panahon ng Kuwaresma. Marami sa kanila ang bumabalik para magpasalamat sa mga natupad na kahilingan.

Pagkatapos umakyat sa Kamay ni Hesus at mag-alay ng panalangin, maaaring puntahan ang katapat nitong resort. Sa halagang 150 to 250 pesos, puwedeng-puwede ka nang makaligo’t mag-enjoy sa swimming pool.

Tunay ngang makapagre-relax ang lahat dahil sa likas na ganda ng paligid. Ang tubig na gamit sa pool, mula sa bukal sa tuktok ng burol kaya very refreshing.

Ngayong Semana Santa, higit pa sa pagre-relax – mas dapat nating alala­hanin ang mga sakri­pisyo ni Hesukristo. Dapat din tayong magbalik-loob sa Kanya.

Sikapin din nating maibalik ang lahat ng biyayang natanggap natin sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at mga nangangaila­ngan. (with reports from Kevin Patrick Sayaman)