Abante Tonite Interactive

Kamay ni Kawhi nag-booty check

713

Si Kawhi Leonard ba ito?

Ito ang katanungan ng karamihan sa mga ­netizen matapos mamataan ang ­sinasabing kamukha ng Los Angeles Clippers main man at two-time NBA champion na si Kawhi sa isang strip club habang ginigilingan ng puwet ng hubad na ­babaeng sumasayaw sa kanyang kandungan.

Makikita sa video tweet ng @TheHoops­Central na nakaupo ang kamukha ni Kawhi habang may nagtu-twerk na babae sa harapan niya.

Hindi ito nakapagpigil at hinimas ang mabilog na puwet ng dancer at pagkatapos ay nagpasabog ng pera.

“LMAOOO, is this Kawhi?!?” Tweet ni @TheHoopsCentral.

Sa viral video ay makikita rin ang caption na, “See why Kawhi doesn’t play on back to backs.”

Kita rin na may suot na New Balance hoodie ang pinaghihinalaang Kawhi kaya naman tingin ng mga fan ay siya talaga ito.

“Ain’t no one hitting the strip club in New ­Balance Gear. Gotta be him lmaooo,” komento ni @HerciMerci.

“That looks way set up to be believable. But I’ll tell you, it kinda does look like him,” hirit ­naman ni @Jaimon10G1.

Si @LamarJacksonMVP, siguradong si Kawhi daw ‘yon. “That gotta be Kawhi!!!”
Sang-ayon din si @LB2416, “That’s gotta be Kawhi no one in their right mind would get out the house wearing New Balance.”

Wala pang kumpirmasyon kung totoo nga bang si ‘The Klaw’ ang nasa viral video. (Aivan ­Episcope)