Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kambal kawatan, killer ng 4-anyos kalaboso

0 54

Arestado ng pulisya nitong MIyerkoles, ang 18-anyos na kambal na itinurong suspek sa pagpatay at pagnanakaw ng cellphone sa isang 4-anyos na bata sa Barangay Calulut, San Fernando City, Pampanga.

Sa kanilang pagkaaresto, umamin umano ang kambal na sina Mark at John Kevin Salonga, sa ginawang pagpatay sa biktimang si Kian Belleza, 4-anyos.

Nabatid na dalawang araw nang nawawala ang biktima hanggang matagpuan ito na nakasilid sa eco-bag, sa talahiban malapit sa isang subdivision. Ayon sa ina ng bata, pinahawak niya kay Kian ang cellphone para para mag-igib ng tubig pero nang bumalik siya ay wala na ang anak.

Natunton ng mga magulang ang pinagtapunan sa bata dahil sa tulong ng driver ng tricycle na sinakyan ng kambal.

Pinaginteresan diumano ng mga suspek ang cellphone na hawak ni Kian na binenta nila sa halagang P2,000. Nagawa umano nila ito dahil nangangailangan sila ng pamasahe papunta sa Manila para mag-apply na artista sa isang istasyon.

Ayon sa isang kambal wala umano silang balak na patayin ang biktima ngunit nagpumiglas ito kaya nila tinakpan ng tuwalya ang mukha nito na naging dahilan ng pagkamatay. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.