Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kambal na aksidente, nagpa-traffic sa Edsa

0 72

Nagdulot ng matinding trapiko ang magkahiwalay na aksidente sa EDSA nitong Sabado ng madaling araw.
Sa report ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA traffic chief Bong Nebrija, ang unang aksidente ay ang karambola ng tatlong sasakyan sa southbound lane ng EDSA sa Monte de Piedad, Cubao, Quezon City.
Aniya, isang pick-up truck ang bumangga sa taxi dahilan upang mabangga naman nito ang nasa harapang van.

Sa lakas ng impact, tumaob ang trak at sinalpok ang taxi at van sa nakaharang sa sidewalk.

Wala namang nasugatan sa aksidente kung saan tumakas ang truck driver.

Makalipas ang ilang oras, bumangga naman ang isang SUV sa sidewalk barrier sa EDSA Orense sa Makati City.
Sinabi ni Nebrija na posibleng matulin ang SUV kaya bumaliktad rin ito. Wala namang nasugatan sa nasabing aksidente. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.