Abante Tonite Interactive

Kambal sa party drug kinasuhan na

By
0 159

Kinasuhan na kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na katao kabilang ang kambal na magkapatid na umano’y tulak ng mga party drug matapos salakayin ang kanilang tinutuluyan condominium sa Makati City noong Sabado nang gabi.

Kasong paglabag sa Section 26 in relation to Section 5 (Selling of Dangerous Drugs), 11, 12 at 15, Article II of Republic Act 9165 ang isinampa sa Makati Prosecutor’s Office laban sa apat na sina Tetsuya Tristan Reyes, Ryan Christopher De Vera Somera at ang kambal na magkapatid na sina Ruth Anne Compra Mabalay at Sarah Mae Compra Mabalay kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa 18-G A Venue Suites (High-end condominium) Salamanca St., Poblacion, Makati City.

Sa report ni Regional Director Levi S. Ortiz, kay PDEA Director General Aaron Aquino, alas-11:30 ng gabi noong Sabado nang salakayin ang tinitirhang condominium ng mga suspek sa 18 G A. Venue Suites (High-end condominium) sa Salamanca St., Poblacion, Makati City.

Nakumpiska sa grupo na nakakulong ngayon sa detention cell ng PDEA ang iba’t ibang timbang, gramo at bilang ng mga hinihinalang ecstasy, Kush at illegal drugs na aabot sa milyon-milyong halaga.