Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kambing ginahasa ni lolo tigok

0 140

Humihimas ngayon sa malamig na rehas ang isang 60-anyos na lalaki sa Rawang, Malaysia matapos maki­pagtalik sa isang babaeng kam­bing na kalaunan ay namatay noong Martes ng hapon.

Sa report, ayon sa Rawang Police Department (RPD), nakarinig ang may-ari ng pag-atungal ng kanyang kambing sa kulungan nito, na malapit sa kanyang bahay, bandang alas-1:30, Hulyo 27 ng hapon.

Sa ulat, ayon sa RPD, nang tiningnan niya ang kanyang alaga ay nakita niya ang suspek na itinago sa pangalang “Amir” na nasa ibabaw ng kambing at nasa aktong nakapasok ang ari nito sa ari ng kambing.

Noong makita ang mag-ari ng hayop, biglang kumaripas ng takbo ang suspek papalayo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The suspect subsequently escaped. The goat was pronounced dead by the owner when she checked,” ayon sa RPD.

Sa follow-up investigation ng pulisya, si Amir ay naaresto sa kalapit na bayan ng Rawang para sa kasong bestiality.

Samantala, ang kambing ay sasailalim sa post-mortem examination sa lokal na ve­terinary laboratory.

Nakakulong ngayon sa RPD ang suspek at posibleng sampahan ng kasong sexual acts against the order of nature at negligence with respect to any animal. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.