Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamot dito, kamot doon

0 255

Usong-uso tuwing summer season ang bungang araw o prickly heat. Mga batang laging bilad sa araw at naglalaro sa labas ng bahay ang karaniwang tinutubuan nito sa katawan.

Dito sa aming bayan sa Tanza, Cavite, hindi mapakali ang siyam na taong gulang na si Totoy dahil sobrang kati ng kanyang likod.

Walang tigil siya sa kakakamot. Buti na lang to the rescue ang kanyang Lola Amelita. Bilang paunang lunas, higit sa isang bes kada araw kung payuhan niya si Totoy na maligo at maglinis ng katawan.

Ito rin ang payo ng ilang health experts. Pinakamabisang panlaban daw talaga sa bungang araw ang palagiang paliligo at paglilinis ng katawan.

Isa sa skin problem kapag tag-init ang bungang araw o prickly heat.

Sabi ng ilang eksperto, ang kondisyon sa balat na ito ay maaaring maranasan ng bata o matanda. Karaniwang bunga ng pagkakabara ng mga labasan ng pawis mula sa mga sweat gland ang bungang araw.

Kaya mas nakakaapekto ito sa mga taong parating lantad sa sikat ng araw.

Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, Municipal Health Officer – Tanza, ‘Makati ‘yan lalo na sa mga batang laging naglalaro sa labas, naiinitan, pinagpapawisan, natutuyuan ng pawis, very common na tutubo ‘yan bungang araw. ‘Yung iba nagsusugat na sa kakakamot.’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagaman kusang nawawala ang ganitong sakit sa balat, may ilang paraan pa rin naman para maiwasan ito.

Importante na maninipis at preskong damit ang isuot ngayong summer. Mas angkop daw ito sa panahon para nakakahinga ang katawan at hindi natutuyuan ng pawis.

Nakakaginhawa rin daw ng pakiramdam ang paglalagay ng powder sa katawan. Kung may bungang araw na, may mga prickly heat powder na puwede ring makatulong para maibsan ang labis na pangangati.

Huwag daw kamutin dahil baka magsugat at magdulot pa ng impeksyon sa katawan.

Mahalaga ring uminom ng maraming tubig para laging fresh ang pakiramdam.

Bagaman karaniwan na ang ganitong sakit ngayong tag-init, hindi pa rin ito dapat ipagwalang-bahala.

Sa huli, ayon kay Dr. Punzalan, ‘Kailangan laging maligo, lalo na mga bata lalo na kung galing labas, pinagpawisan, kailangan maligo, siguro hindi lang isang beses sa isang araw, dalawang beses. Iiwasan ang direct exposure sa sunlight, wag maglaro sa kainitan. Sa umaga or sa hapon maglaro para di masyadong mainit.’

Leave A Reply

Your email address will not be published.