Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kamote sa RFID

0 49

Hindi nakakalimot sa pagpapaalala ang mga operator ng SLEX, NLEX at iba pang mga tollways sa Luzon sa pagpapatupad nila ng cashless payment na uumpisahan sa Nobyembre 2 base sa mga naunang anunsiyo.

Sa ilalim ng cashless payment, ang mga sasakyan ay kailangang magpakabit ng RFID stickers upang ang maiwasan na ang hawakan ng palad at kamay sa pagitan ng toll booth tellers at piloto ng mga sasakyang gumagamit ng tollways.

Hindi lamang panghahawa ng COVID-19 ang malilimitahan ng sistemang ito dahil mababawasan din ang pananatili ng sasakyan sa unahan ng barrier na magreresulta sa mas maiksing pila.

Dahil sa maagang pabatid ng tollway operators, maraming nagpakabit ng maaga ng RFID sa kanilang mga sasakyan kaya kapansin pansin na nadagdagan ang mga gumagamit ng RFID entry/exit.

Ayos na sana kaya lang ay tila nagiging ulyanin ang ibang motorista parang hindi na iniisip na nauubos ang load ng kanilang mga card kaya mas matinding abala ang inaabot ng mga sumusunod na sasakyan sa pila.

Kung hindi na kasi sapat ang load ng RFID cards, hindi talaga tataas ang barrier at kailangan na umatras ang sasakyan para pumunta sa cash payment kaya kung lima pang sasakyan ang sumusunod sa kanya, mapipilitan din umatras ang mga ito.

SM food to go Banner Ad

Hindi lamang ito miminsan na nangyayari dahil noong nakalipas na weekend ay dalawang beses din akong naabala ng mga motoristang walang sapat na load ang RFID kaya kailangan kong umatras pati na rin ang mga nasa likuran ko.

At sa kabila ng abalang idinulot ng mga ito sa mga sumusunod sa kanila ay tila hindi naman sila napatawan ng multa o penalidad ng mga nagmamando sa toll booths.

Upang maiwasan na sa mga susunod na araw sa kasagsagan ng cashless payment system ay dapat sigurong parusahan na ang mga motoristang papasok sa mga toll booths nang hindi sapat ang load ng mga RFID.

Lahat din naman kasi ng klase ng loading system ay available na sa mga RFID cards kaya hindi na puwedeng mangatuwiran ang mga drayber na hindi sila makahanap ng pagpapaloadan, puwede nang magreload online, sa bangko, convenience stores pati na rin sa mga gasoline stations na malalapit sa entrada ng mga tollways.

Nagsisikap ang mga awtoridad na mapadali ang ating biyahe kaya dapat na makiisa din mga mga motorista sa pagmamantini ng tamang halaga ng load sa kanilang mga RFID cards.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.