Abante Tonite Interactive

Kampanya ng mga senatorial candidate arangkada na

By
212

Umpisa na ngayong Martes ang opisyal na pa­ngangampanya ng mga kandidatong senador.

Sa San Fernando at Clark sa Pampanga aarangkada ang mga senatorial candidate ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sasamahan ang HNP ng PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pampanga.

Inaasahan din na magsasagawa ng event si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa San Fernando.

Ang Otso Diretso senatorial slate na grupo­ ng mga nasa oposisyon ay magsasagawa naman ng campaign kick-off event sa Caloocan City ngayong­ Martes at sa Naga City sa Miyerkoles, Pebrero 13.

Ang re-electionist at independent na si Senadora Grace Poe, ay dadalo naman sa isang school-feeding program ngayong Martes at magsasagawa ng kick-off rally sa Tondo, Maynila sa Miyer­koles.

Si Bayan Muna chairman Neri Colmenares, na tumatakbo sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan, ay nakatakdang magbuo ng agahan­ kasama ang mga senior citizen sa Old Balara, Quezon­ City.