Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kampay ni Kawhi ‘di kinaya ng Nuggets

0 45

Lupaypay ang Denver Nuggets, dinurog ng LA Clippers 120-97 sa opener ng kanilang 74th NBA West second round series sa Orlando bubble.

Hindi pa halos natutuyuan ng pawis ang Nuggets, dumaan muna sa sagarang Game 7 noong Martes bago ipinagpag ang Utah para umusad sa next round.

Nalubog pa ang Denver 3-1 bago tinuhog ang sumunod na apat na laro. Ganun sila kasagad na bumalik sa court nitong Huwebes ng gabi.

Nangailangan ng anim na laro ang Clippers bago dinispatsa si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks noong Sabado.

Si Kawhi Leonard ang nanguna sa demolition squad ng LA, nagsumite ang reigning Finals MVP ng 29 points mula 12 of 16 shooting sa loob lang ng 32 minutes.

Magkabuhol pa sa 31-31 pagkatapos ng first quarter, sa second ay kumalas ang Clippers para magpundar ng 69-51 lead sa break at hindi na lumingon.

May 19 pts., 7 rebounds si Paul George, umayuda ng 18 markers si Marcus Morris sa LA.

Ang 15 pts. ni Nikola Jokic ang namuno sa Nuggets, humugot ng 13 pts. at 9 rebs. kay Paul Millsap.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.