Abante Tonite Interactive

Kampeon sa 2020 WSC naging inspirasyon ng mga sabungero

318

Mga kasabong nakapagbigay ng inspirasyon sa mga sabungero ang tatlong entries na nagkampeon sa 2020 World Slasher Cup I nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Congratulations muna kina Edwin Tose at Daday Siochi ng 419 DS Solid North GF, Carlos Gayoso at Arnold Mendoza ng Matandang Gasan 1, at May May ng Batang San Juan na mga umiskor ng tigwawalong puntos.

May mahigit 200 ang sumali sa sa 9-Cock Invitational Derby, ang nasabing event ay inalay at pagbibigay pugay sa yumaong sikat na American breeder na si Ray Alexander.

Mga unang titulo nila sa WSC kaya masasabing kahit sino ay puwedeng mag-champion basta maayos ang paghahanda, sabi nga ng mga nakausap ko, na kaya rin pala basta maayos ang pagha­handa, kahit hindi ­gaano malaki ang ­inyong manukan.

Tama naman mga klasmeyt, basta kumpleto ka sa pakain, tamang workout, at maayos na pag-aalaga malaki ang tsansang manalo. Kung ako ang tatanu­ngin iyong makapasok ka sa Finals ay puwede mo nang ipagmalaki kasi naman iba ang labanan sa WSC naniyan ang mga magagaling na magmanok.

Pero siyempre kapag nakarating ka na sa Finals ang susunod mo naman na target ay magkampeon. Kaya sa WSC 2 ay posible na­ting makitang muli itong mga nagkampeon.

Ipinapakita nila na puwede silang manalo kahit kasali ang mga bigating breeders sa Pilipinas tulad nina WSC champions Patrick Antonio, Frank Berin at Escolin Brothers pati ang sikat din na FireBird ni Biboy Enriquez.

***

Mga klasmeyt kalasukuyang nagpupupugan sa 2020 World PitMasters, isa na namang malupit na derby dahil mga tigasing sabungero ang maghaharap-harap. Isa rin itong 9-Cock International Derby.

***

Good Luck po sa mga kasabong natin salamat sa mga nag P-PM sa akin, huwag po kayong mahiyang magtanong. Nandito lang po ang inyong klasmeyt.