Abante Tonite Interactive

Kampeon si Isko

409

Bida na naman ang mga iskolar ng Ma­ynila.

Hayaan ninyo akong i-flex ang ilang pi­ling second year Public Relations students ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na sumali sa 2019 Students’ PR Congress and Grand Prix kamakailan.

Naiuwi ng Team A.K.A.P ang kampeonato sa contest na may paksang ‘R U OK?: The Role of PR in Speaking the Truth about Mental Health’.

Makasaysayan ito para sa Department of Mass Communication (DMC) ng PLM dahil ilang taon din silang lumiban sa pagsali sa nasabing contest. Kaya nakatutuwa na sa muli nilang paglahok, nasungkit pa ang championship title.

Kaya abot-abot ang galak ng chairperson ng DMC na si Prof. Imelda Dometita.

Ayon sa kanya, “Being champion paid all the hardworks and as the 1st batch of BAPR program, they made history as PLM pride.”

Kabilang sa winning team sina Denise A­rielle Tan, Eduardo Hernandez Jr., Alia Shaina Sinaguinan, Filoteo Mari Santos, Mel Bench Cortaga, Ri­chard Mel Daileg at Enrico Miguel Rañoco.

Hinasa sila ng kanilang adviser na si Robert Mano, sa tulong na rin ng iba pang faculty na sina Prof. Ludmila Labagnoy at Prof. Meich Jastia. Pati ilang alumni ng PLM na sina Cecille Villarosa, Argyll Geducos at Vberni Regalado, tumulong din sa paghasa sa mga bata.

Laking pasa­salamat ng mga nagwaging mag-aaral. Hindi raw nila maaabot ang tagumpay kung walang tulong at suporta mula sa kanilang mentors.

Sa contest proper, nagmistulang PR agents ang mga kalahok na nagpresent ng kani-kanilang PR plan sa mga kli­yente. Kabilang sa mga hurado ang ilang kilalang personalidad sa larangan ng PR gaya nina Andy Saracho, Angel Doble, Immanuel Pastolero, Ana Pista, Stephanie Mayo at Se­verino Sarmenta.

Napabilib ang mga hurado sa PR plan ng PLM na nakasentro sa #kapiTayo.
Anuman ang pinagdaraanan mo, kapiTayo!

First runner-up ang ‘D’3N1’ ng PUP-Manila at 2nd runner-up naman ang ‘Huggers’ ng San Beda University. Grand finalists naman ang ‘TAPPAT’ ng FEU-Manila at ‘Atabs ni Yorme’ na isa pang entry mula sa PLM.

Bukod sa tropeo, nag-uwi rin ang Team A.K.A.P ng P20,000.