Abante Tonite Interactive

Kampo ni Enrique galit kay Jessy

By
0 1,562
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Manggagamit!” With a tandang pandamdam ang salitang galing sa mga basher at hater ni Jessy Mendiola na poot na poot sa bini­bining bida sa The Girl In An Orange Dress.
Bakit sila poot na poot na maaaring itong mga oras na ito ay suklam na? Kasi nga sinariwa muli ni Mendiola ang isyu tungkol sa alegasyon na binastos siya ni Enrique Gil sa eroplano pati na rin ang masalimuot nilang relasyon dati ni JM de Guzman.
Sino nga kaya sa mga manunulat na dumalo sa press payanig para sa pelikula ang nang-urirat tungkol dito? Wala naman kasi si Gil sa pelikula, bakit kailangan pag-usapan? Hindi ba dapat ‘wag na buhayin pa ang isyung three years ago na yata?
‘Yung patungkol kay De Guzman, kahit  pa nga hindi pina­ngalanan ang binata, makatarungan pa ba lalo na nga’t JM is in a better place na?  Gusto ba ni Mendiola na masabihang siya ang babaeng bubog sa buhay ni De Guzman dati at siya ang sinisi kung bakit not once, but twice itong nag-succumb sa dark side?
Wala bang merito ang babaeng may kulay kahel na damit kaya ang mga ganitong usapin eh dapat pang pag-usapan o ungkatin?
Tiyak na hindi kasalanan ni Mendiola ang pangyayari, sumagot lang siya sa tanong. Kaya lang, puwede rin naman ang naging sagot niya eh, “I don’t want to entertain questions about that,” eh ‘di wala sanang fuel ang mga basher and hater niya against her.
Pati tuloy ang pag-amin niya na she dealt with depression and contemplated on committing suicide, eh nagagamit na bala para lalo siyang aglahain at laitin kasi sa pakiwari ng mga mambabasa, hindi kainamang publicity angle sina Enrique at JM.

Xian nagamit ni Kim

Kahit hindi rin kasali si Xian Lim sa One Great Love kung saan ang mga bidang la­laki ay sina Dennis Trillo at JC de Vera, dahil kay Kim Chiu, gamit na gamit sa promo ang pangalan ni Lim.
Buti na nga lang at may pelikula si Kim at inamin na niya ang relasyon nila ni Xian or else, gone with the wind and gone in 60 seconds na sa mga ala-ala ang binatang minamahal niya.
Ang kakabaliw lang kay Xian, matapos umamin si Kim, parang wala akong kahit na anong salita o paglalahad, o ‘pag second the motion man lang na “Yes, kami na nga talaga ni Kim, matagal na.” Kataka-taka na ang lady love niya proud na proud na, ang hombre of her affection, hindi pa rin.
Sana rin, kung may mga susunod pang mga tanungan kay Chiu, tantanan na ang pag-mention kay Xian dahil wala naman siya sa pelikula at hindi tayo sure kung siya nga ang one great love ni Ms. Chinita Princess.
Ang one great love ni Kimmy, may chance kayang si Gerald Anderson? Ano sa inyong pakiwari, my dear Abante TONITE rea­ders?