Abante Tonite Interactive

Kampo ni ex-Mayor Ampatuan Jr. nagsumite ng ebidensya sa Maguindanao massacre

726

Tinapos na ng kampo ni dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. ang pagpresinta ng ebidensiya sa kaso ng Maguindanao massacre kung saan panguna­hing akusado ang dating ­alkalde.

Ito ay sa ­pamamagitan ng pagsusumite ng ‘formal offer of evidence’ sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Kasama sa mga ebidensiyang isinumite ay ang ‘minutes of the meeting’ na idinaos sa municipal hall ng Datu Unsay noong Nobyembre 23, 2009 kung kailan nangyari ang massacre.

Nais patunayan ng kampo ng dating alkalde na malabong naroon siya sa pinangyarihan ng massacre dahil siya ay dumalo sa pagpupulong sa municipal hall mula alas-otso ng umaga hanggang alas-12:30 ng tanghali.

Isinumite rin sa korte ang mga salaysay ng mga testigo ni dating Mayor Ampatuan Jr.

Natapos ang presentasyon ng ebidensiya ng dating alkalde higit walong taon matapos ang pagsisimula ng pag­lilitis sa kaso noong Enero 5, 2010 at bago sumapit ang ika-siyam na anibersaryo ng karumal-dumal na ­krimen.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inatasan na niya ang mga piskal na may hawak sa kaso na isulong ang partial resolution sa Maguindanao massacre.
Nauna nang ina­prubahan ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng Quezon City RTC Branch 221 ng partial promulgation o partial judgment sa kaso.