Abante Tonite Interactive

Kampo ni JooE ng Momoland magdedemanda

0 311

Big deal talaga sa South Korean entertainment kapag ang mga idols, actors at actresses ay nahuli na “dating” o “in a relationship”.

Kahit na may mga Knetizen na nagsasabing baguhin na dapat ang mindset in-terms of South Korean stars into dating at hayaan ang mga ito dahil may mga “buhay” rin sila, hindi pa rin naman kasi maitatanggi na tila mas marami pa rin sa mga fan ang tila possessive. Ayaw nilang malaman na may ka-date o may karelasyon ang mga iniidolo nila.

Kaya nga ang dating sa kanila ay considered “scandal” pa rin.

Ang bagong napabalitang may karelasyon daw ay ang miyembro ng South Korean girl group na Momoland na si JooE.

Nakita rin namin ang lumabas na picture sa news kamakailan lang na may kasamang guy si JooE at ‘di maikakailang malapit ito sa lalaking kasama base sa kuha sa kanila.

Dahil iba-iba na ang reaksyon at naglalabasan sa picture, minabuti na ng agency ng Momoland na MLD Entertainment ang magsalita at linawin ang isyu.

Itinanggi ng MLD Entertainment ang kumakalat na isyung may boyfriend na si JooE dahil sa dalawang pictures na lumabas na “arm to arm” sila ng lalaking kasama nito.

Magti-take rin daw ng legal action ang MLD Entertainment sa mga malicious pang comments at write-ups na lalabas tungkol kay JooE.

Narito ang official statement:

“We would like to give our official statement regarding a rumor about MOMOLAND’s JooE that has been spreading online.

“After checking with JooE herself, we have confirmed that the man in the photo is a longtime friend of JooE’s who accompanied her to purchase some sound equipment. We have confirmed that the photos were edited with malicious intent and purposefully spread.

“We had been staying silent as we did not believe the rumors deserved a response, but as our artist has expressed that she is experiencing distress due to the baseless rumors, we plan to take legal action against the person who first posted the photos, as well as against malicious commenters. Thank you.”