Abante Tonite Interactive

Kampo ni Robredo kay Duterte

Kapalpakan mo huwag ibunton kay VP Leni

By
331

Pilit na pinagtatakpan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kabi­guan at kapalpakan ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga walang basehang akusasyon laban kay Vice President Leni Robredo.

Buwelta pa rin ito ng kampo ni Robredo matapos panindigan ng Pangulo ang pagtawag nito sa Naga City bilang ‘hotbed of shabu’.

Sa pamamagitan ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, sinabi nitong halata namang ginagamit ng Pa­ngulo ang mga walang basehang alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo upang pagtakpan ang kapalpakan ng kanyang administrasyon.

“The allegations made by the President are recycled rants conveniently used to deflect attention from the failures of this administration,” ayon kay Gutierrez.

Kaya naman, panawagan ni Gutierrez sa Pangulo sa halip na pagdiskita­han ang Pangalawang Pangulo ay pagtuunan ng pansin na lamang nito ang mahahalagang bagay tulad nang pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

“And while he may be intending to flatter me by keeping me at the top of his mind these days when he stands behind the seal of his office, I’d still prefer that he focus on the many important matters that he needs to address as rising prices continue to make life difficult for our fellow Filipinos, especially for those in need,” ayon pa sa tagapagsalita ni Robredo.

Bukod dito, ayon kay Gutierrez, kung seryoso umano ang Pangulo sa droga ay dapat imbestigahan nito ang pagpasok ng P6.8 bilyong shabu at dapat pinahuli si Peter Lim.