Abante Tonite Interactive

Kanang-kamay ng mambabatas adik sa cocaine

429

Madalas daw makita ang kanang-kamay ng isang mambabatas na may pulbos sa ilong.

Hinala ng ilang bugoy, gumagamit ng baby powder ang lalaking staff para mapaputi ang kanyang mukha.

Pero nagtataka naman ang iba na lumalakas ang loob ng staff as in kumakapal ang mukha sa maraming pagkakataon.

‘Yun naman pala, hindi baby powder ang ginagamit ng staff kundi cocaine.
Hilig nitong suminghot ng cocaine kaya kung minsan ay may naiiwan na pulbos sa kanyang ilong.

Rich boy kasi ang staff ng mambabatas kaya hindi uubra sa kanya ang pangmahirap lang na cocaine.

Hindi raw magtataka ang ilang empleyado kung balang araw ay mahuli ang staff sa pagdadala ng cocaine.

Clue: Ang staff ay nagtatrabaho sa mambabatas na kuripot at may letrang K sa kanyang pangalan.