Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandado binaklas, 3 preso pumuga

0 266

Nakatakas sa kustodya ng Manila Police District-Police Station 5 ang tatlong inmate na naaresto sa iba’t ibang kaso kamakalawa ng madaling-araw sa Maynila.

Kinilala ng MPD-PS5, ang mga detainee na sina Joel Menesses, 25, miyembro ng Batang City Jail, may kasong paglabag sa violation of Revised Ordinace (curfew) at R.A 10591 o Comprehensive law on Firearms and Ammunition; Genrex Dela Cruz, may kasong Robbery Hold-up, malicious Mischief, Physical Injury at Revised Ordinance 864 – ( concelling deadly weapon) ; at Ruelo Ramil 20 , Robbery Holdup at pawing taga-Baseco Compound

SM food to go Banner Ad

Sa tatlong nakatakas, si Meneses lang ang balik-kulungan dakong ala-1:40 ng hapon sa bisinidad ng Parola, Port Area, Maynila. Nagawa umanong maalis ng mga suspek ang kandado sa rehas kaya nakapuga.

Sa ulat ng MPD-PS 5 alas-2:50 ng madaling araw nang madiskubreng nawawala ang 3 inmate sa jail ng MPD- Station 5 sa Katigbak Drive, Rizal Park, Ermita.

Kaagad na ipinagbigay alam ni P/Cpl.Arsen Mallari, duty officer jailer kay P/ Lt.Col.Ariel Caramoan, station Commander ng PS5 ang insidente kaya agad nagsagawa ng manhunt sa tatlong suspek at naaresto si Menesses. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.