Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidato bawal maraming bitbit sa COC filing

0 216

Ipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang karaniwan nang pagbitbit ng mga tagasuporta ng isang kandidato sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) simula sa Oktubre para sa halalan sa 2022.

Sa isang virtual forum nitong Miyerkoles, sinabi ni Commissioner Antonio Kho na posibleng limitahan nila sa kandidato at abogado lamang nito o mga kapamilya ang paghahain ng COC sa mga opisina ng Comelec.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magpapatupad din aniya ang komisyon ng mga karampatang protocol partikular sa labas ng punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros para maiwasan ang pagkumpulan ng mga tao.

Bahagi pa rin ng protocol ang physical distancing sa paghahain ng COC. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.