Abante Tonite Interactive

Kandidato ibinalandra ang account number

By
244

Mukhang negos­yo yata ang pakay ng isang kandidato sa pagka-senador dahil aligaga ito sa panga­ngalap ng pondo at hindi sa pangangampanya.

Ito kasing PR man ng kandidato, ipinost sa social media ang account number ng kanyang ‘manok’ sa Senado para doon ihulog ang anumang donasyon.

Wala raw paki ang PR man kung masira ang kanyang amo, tulad ng mga tinakbuhan nitong kausap sa mga ipinadalang press statement.
Ang mahalaga sa kampo ng kandidato, makakalap ng pondo kaya’t hindi nila dadamdamin ang pagka­talo.

Ang PR man ay naluklok sa isang ahensiya ng pamahalaan gaya ng kanyang ‘manok’ na dati na ring humawak ng isang mataas na posisyon sa gobyerno, at nang matapos ang termino ay nagnegosyo na lamang.

Clue: May letrang R sa pangalan ng PR man at sa mismong kandidatong pinagsisilbihan niya.