Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidato, inambus sa Pampanga

0 235

Todas ang isang councilor candidate at sinasabing pamangkin nito nito matapos ambusin sa Bambang Road, Barangay San Miguel, San Simon, Pampanga kahapon ng umaga.

Kinilala ni Pampanga police director Colonel Robin Sarmiento ang umano’y magtiyuhing biktima na sina Rogelio Esguerra Salvador Jr. at Joel Manuel Salvador, kapwa taga-Barangay Concepcion sa naturang bayan.

Ayon kay Sarmiento dead on the spot ang dalawang biktima matapos silang tadtarin ng bala.

Sakay ng Chevrolet Trailblazer SUV (CDZ-5651) ang mga biktima sa sinasabing motorcade nang makasalubong ng mga ito ang mga suspek na naka- four-wheel car.

Ayon sa guwardiyang saksi sa krimen, walang kaabog-abog umanong niratrat ng hindi pa kilalang mga salarin ang sasakyan ng mga biktima sa Bambang Road alas-7:30 ng umaga kahapon mula sa di pa natukoy na baril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi napuruhan si Arnel Caparas, driver ng tumatakbong konsehal na siyang nagmamaneho ng SUV ngunit ginagamot ito ngayon sa isang pagamutan dahil sa tinamong bala.

Nabatid na ang napatay na konsi bet at si Caparas ay magkasamang nagsampa ng mga kasong katiwalian laban sa suspendidong mayor ng San Simon at 5 town councilor sa tanggapan ng Ombudsman at Sangguniang Panlalawigan.

Si Salvador na dating Concepcion Barangay Captain ay kabilang sa Kambilan, isang lokal na political party na itinatag ni dating Pampanga Gov. Lilia “Nanay” Pineda.

Masusi ngayong sinisiyasat kung may kinalaman sa pulitika ang motibo sa pagpaslang.

Ang nasabing ambush ang unang insidente sa Pampanga bago ang May 9, 2022 national at local election. (Rudy Abular/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.