Abante Tonite Interactive

Kandidato kontrapelo sa ambisyon ng politiko

302

Abala daw ngayon ang isang kandidato sa pagka-congressman sa pangangampanya sa labas ng kanyang distrito.

Sure win na kasi itong kandidato kaya’t hindi na niya kailangan pang mangampanya sa kanyang bayan.

Ambisyon daw ng kandidato na makakuha ng magandang puwesto sa Kamara kaya’t nililigawan ang mga kongresista.

Gusto daw ng kandidato na bigyan ng sakit ng ulo ang politikong nagha­hangad na maghari sa Kamara.

Malalim ang galit ng kandidato sa ambisyosong politiko kaya’t gagawin nito ang lahat ng paraan para makaganti dito.

Clue: Ang kandidatong gustong manabotahe sa ambisyosong politiko ay kabaligtaran ng tall and handsome su­balit totoong dark at may letrang N sa kanyang panga­lan as in Nayon.