Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidato pa lang isapubliko na ang SALN

0 199

Dapat ay agad na isapubliko ng bawat kandidato ang kanilang yaman o ari arian Bago pa man magsimula ang kampanya at eleksiyon Sa bansa.

Ito ay upang agad mabusisi ng mga botante kung saan galing ang yaman ng isang kandidato kung meron man.

Mahalaga na malaman ng lahat kung saan nanggaling ang yaman nito at magkano ang gagastusin nito sa kampanya sa eleksiyon.

Taliwas ito sa paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Presidential Candidate Ferdinand Marcos Jr. na ayaw ilantad Sa publiko ang kanilang Statement of Assets ,Liabilities and Networth (SALN).

Dapat sa mga kandidato biglang Presidente, Bise Presidente at Senador ay makakabuting hingan sila ng impormasyon tulad ng SALN upang mabusisi kung magkano at saan galing ang yaman ng mga ito.

Nangangamba kasi si Marcos Jr. na gamitin laban sa kanya ang SALN kung ito ay mailalantad sa publiko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Balido ang pangamba ni Marcos Jr. dahil totoong may mga pagkakataon na nagamit ang SALN para makasuhan o mapatalsik sa puwesto ang isang opisyal.

Kung nagmula naman sa mabuti at lehitimong pamamaraan ang yaman ng isang kandidato ay kahit ano pang gawin ng mga kritiko sa nilalalaman ng SALN ay hindi ito mananaig sa anumang masamang motibo.

Hindi naman naalis sa bawat eleksiyon ay naging bukambibig na ng mga kandidato na kanilang lalabanan at susugpuin ang korapsiyon sa gobyerno..

Pero kapag naupo na sa puwesto sa gobyerno ay tila nakakalimutan ang pangako at nababahiran na rin ng katiwalian.

Batay sa mga datos ay bilyon bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa korapsiyon kaya naman dapat ay tiyakin na ang ating iboboto sa matataas na posisyon sa gobyerno ay totoong may karapatan na labanan ang katiwalian sa gobyerno dahil siya mismo ay hindi tiwali at hindi rin naugnay sa pagnanakaw sa kaban ng bayan..

Leave A Reply

Your email address will not be published.