Abante Tonite Interactive

Kandidato pinag-iingat ng EWC sa nakalalasong materyales sa pangangampanya

1,030

Binigyan ng babala ng isang environmental group ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na mag-ingat sa gagami­ting nakalalasong campaign materials sa kanilang pangangampanya.

Sinabi ng EcoWaste Coalition, karaniwang ginagamit sa pag-iimprenta ng tarpaulin na ginagamit sa pangangampanya ay cadmium, na isang cancer-causing element.

“Tarpaulins such as those made of polyvinyl chloride (PVC) plastic often contain cadmium, a chemical that is deemed extremely­ harmful to human health and the environment,” ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition.

“We are concerned that cadmium-containing tarpaulins are adding to the growing toxicity of the waste stream that our society generates,” dagdag pa ni Dizon.

Nalaman na ang cadmium ay tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau na potensiyal na sanhi ng “unreaso­nable risk” sa public health, workplace, at maging sa kalikasan.”
Nananawagan rin ang grupo sa mga kandidato na magsagawa na lamang ng “house-to-house visits” at huwag limitahan ang kanilang resources sa produksyon ng mga campaign materials, na na­giging basura na lamang matapos ang eleksyon at kadalasan ay nakalalason sa tao at sa kalikasan.

Sinabi ni Dizon na mas matatandaan ng mga botante ang mga kandidato na bumibisita sa kanilang tahanan at itinatanong ang kanilang mga problema at hinaing.

Itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa Mayo 4 hanggang Mayo 12 ang panahon ng kampanyahan para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.