Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidato sa 2022 elections dapat COVID negative

0 142

Inoobliga ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga tatakbo sa 2022 elections na magprisinta ng negatibong RT-PCR o antigen test na kinuha sa loob ng 24 oras bago maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang 8.

Sakop nito ang mga tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente, senador at party-list.

SM food to go Banner Ad

Nasa ilalim umano ito ng Comelec Resolution No. 10717 na nagsasaad ng mga panuntunan kaugnay sa mga political convention, pagsusumite ng nominee ng mga party-list group, paghahain ng COC at certificate of nomination and acceptance ng mga partido political para sa May 2022 elections.

Bukod sa mga kandidato ay kasama rin na oobligahin magsumite ng negatibong RT-PCR o antigen test ang kanilang mga kasama, maging ang mga Comelec personnel na tatanggap ng COC, mga security personnel ng komisyon, military at police official, gayundin ang mga taga-media na magkokober sa paghahain ng COC.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.