Abante Tonite Interactive

Kandidato sa Ilocos sabit sa vote buying

By
493

Inireklamo noong Martes sa Laoag City ­Police Station (LCPS) ang isang babaeng kuma­kandidatong barangay chairman dahil sa pamimigay umano ng pera habang nanga­ngampanya sa Barangay 27, Laoag City, Ilocos Norte.

Kasong “vote buying” sa Commission on Elections Omnibus Code ang ipinataw kay Fereeza Felipe alyas “Isang”, kumakandidatong barangay chairman sa ­Barangay 27 sa nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon ng LCPS, lumapit si Felipe sa isang residente ng Barangay 27 na si Jennilyn Dalayan at nagbigay ng campaign material (polyetos) na may nakalakip na P1,000 cash.

Nang tanungin ni Dalayan kung para saan ang P1,000 na pera ay walang habas nitong sinabi na bayad ito para sa kanyang kandidatura.

Nang ibalik ni Dalayan ang pera at hindi kinuha ni Felipe ay agad itong nagtungo sa LCPS at inireklamo si Felipe. (Allan Bergonia)