Abante Tonite Interactive

Kandidato tresspassing sa kampanya

363

Hindi pa man nananalo, pasaway na itong isang kandidato sa pagka-konsehal sa Metro Manila matapos na pasukin ang isang gated subdivision.

Galing daw kasi ang kandidato sa pag-iikot sa kabahayan ng mga informal settler nang maisipan nitong mag-ober da bakod sa katabing subdivision.

Kahit nakakandado ang gate, aba’y nagpumilit ba naman ang kandidato na papasukin siya dahil kailangan niyang mangampanya sa subdivision.

Nadismaya tuloy ang mga taong naninirahan sa subdivision, aba’y hindi pa man nananalo sa halalan eh parang goon na ang dating nito dahil sa ginawang pambu-bully sa residente para makapasok sa gated subdivision.

Clue: Ang kandidato sa southern Metro Manila na sapilitang pumasok sa isang gated subdivision ay dating nagtatrabaho sa palakasan. May letrang B sa kanyang pangalan as in Basketball.