Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidato yari `pag pasaway sa COVID protocol – Comelec

0 38

Ituturing ng Commission on Elections (Comelec) na election offense ang paglabag sa health and safety protocol simula sa unang araw ng kampanya.

Alinsunod sa Comelec Resolution 10730 na inaprubahan noong Nobyembre 17, ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng one meter distancing, regular na paglilinis ng mga kamay, tamang paraan ng pag-ubo at pagbahing ang mga itinuturing na tamang health protocol.

Ito ay alinsunod na rin sa pagpapatupad ng Fair Election Law.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Any violation of Fair Elections Act and these Rules shall constitute an election offense punishable under the first and second paragraph of Section 264 of the Omnibus Election Code and other pertinent laws, rules and regulations, whenever applicable,” ayon sa resolusyon.

Opisyal na magsisimula ang pangangampaniya ng mga kandidato sa national position sa Pebrero 8, 2022 samantalang Marso 25 naman para sa mga lokal na kandidato at kapwa magtatapos sa Mayo 7. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.