Abante Tonite Interactive

Kandidatong konsehal pinatay sa sugal, babae

By
1,214

Hindi ikinukonsidera ng Pasay City Police na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 14 ang naganap na pamamaslang sa isang kumakandidatong konsehal ng barangay sa nasabing lungsod noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Noel Florez, hepe ng Pasay Police, ilan sa mga anggulong iniim­bestigahan nila ngayon na posibleng ugat ng pagpatay sa biktimang si Anthony Joseph Echavez, 36-anyos, ay mayroong kinalaman sa sugal at dating pagiging babaero diumano nito.

Nabatid kay Florez na posible aniyang may kinalaman ang umano’y pagkakasangkot ng biktima sa video karera. Pero posible rin aniya ang pagkakaroon nito ng relasyon sa ibang mga babae na nagbunga ng maraming mga anak.

Abante Hiring – IT dep

Pinagbabaril si Echavez ng riding-in-tandem na isang babae at isang lalaki habang naglalaro ito ng dart kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan malapit sa kanilang bahay sa Cuyegkeng St., Barangay 4, Pasay City.

Tinamaan ng ligaw na bala ang kanyang kapitbahay na si Orlando Buenaventura, 54-anyos.

Nabatid na ang naka­babatang kapatid ng biktima ay kasalukuyang barangay kagawad na tumatakbo rin sa kaparehong posisyon.

Sabi umano ng live-in partner ng biktima, tumakbo ito bilang independent candidate dahil hindi pabor sa kanyang kandidatura ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay at ilang kaibigan nito.

Samantala, hanggang ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa mga suspek na bumaril kay Echavez.