Abante Tonite Interactive

Kandidatong konsehal sa Masbate tinodas

252

Patay ang dating pulis, na tumatakbo bilang konsehal para sa nalalapit na May election, nang pagbabarilin sa bahay nito sa bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Romeuel Medina, 40, ng Brgy. Poblacion ng nasabing bayan, matapos malapitang pagbabarilin sa likod ng ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bubuksan sana ni Medina ang gate ng bahay nito dakong alas-siyete Sabado ng gabi nang lumapit ang nag-iisang gunman dala ang .45 kalibre ng baril at agad ding tumakas matapos ang krimen.

Anggulong may kinalaman sa politika at paghihiganti ang tinitingnang motibo sa pamamaslang.