Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidatong mayor swak sa murder

0 39

Arestado ang dating vice mayor at ngayon ay kumakandidato bilang alkalde sa isang bayan sa Lanao del Sur sa kasong murder matapos ang isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Ozamiz City Police Station, Martes.

Kinilala ang inarestong suspek na si Alinader Balindong alyas Badar, 67-anyos, dating vice mayor ng Picong, Lanao del Sur, at ngayon ay kandidato bilang mayor ng Malabang, Lanao del Sur.

Si Balindong ay dinakip sa bisa ng arrest warrant ni judge Alberto Quinto ng Malabang RTC sa kasong murder, na walang kaukulang piyansang nakalaan para dito at frustrated murder, na mayroong P200,000 recommended bail.

SM food to go Banner Ad

Ang kaso ni Balindong ay may kinalaman sa pagpatay sa market administrator ng Malabang, Lanao del Sur noong 2020.

Sa ulat, madaling-araw nitong Martes inaresto si Balindong ng CIDG Provincial Field Unit at Ozamiz Police sa Misamis University Medical Center sa Brgy. Bagakay, Ozamis City, kung saan ito naka-confine dahil na rin sa hiling ng abogado nito sa korte na gawin sa pamamagitan ng hospital arrest. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.