Abante Tonite Interactive

Kandidatong nasa narco list ‘di dapat pigilang tumakbo — Digong

By
505

Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag payagang kumandidato sa 2019 midterm elections ang mga politikong nasa narco list.

Kasunod ito ng pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroong 86 na narco-politician ang posibleng magsumite ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) para isulong ang kanilang pananatili sa kapangyarihan.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya sang-ayon sa plano ng DILG dahil hindi ito magandang polisiya, bukod pa sa labag ito sa batas.

Hindi aniya dapat ilantad sa mga narco-politicans ang mga plano ng gobyerno kaugnay sa kampanya sa iligal na droga.

“No, I will not. It’s not a good policy to let know the — to telegraph your intention or what you know about the other fellow, especially in matters of breaking penal laws. No, I will not. We will not in government,” anang Pangulo.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa Comelec na kung sa tingin nila ay puwede silang mag-disqualify ng mga kandidatong nasa narco-list, pero bilang abugado hindi puwedeng gawin ito kung ang basehan lamang ay dudang sangkot ang isang politiko sa illegal drug trade.