Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kandidatong presidente adik sa cocaine – Duterte

0 241

Pasabog ang mga binitawang salita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa aktibidad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Mindoro kahapon.

Nabanggit ng Pangulo ang isyu ng iligal na droga at ibinunyag nito na isang kandidato sa pagka-pangulo ang gumagamit aniya ng cocaine.

Subalit hindi tinukoy o pinangalanan ng Pangulo kung sinong presidential bet ang kanyang tinutukoy na adik.

Anak-mayaman aniya ito at nagtataka siya kung ano ang nagawa ng naturang kandidato sa bansa dahil lokong-loko sa kanya ang mga tao.

“There’s even a presidential candidate na nag-cocaine. May kandidato tayo na nagko-cocaine `yan, `yang mga anak ng mga mayaman. Kaya nga nagtaka ako anong nagawa nung tao na ito? I’m just asking. What contribution has he made para sa Pilipinas? `Yan ang gusto ko lang tanungin,” sabi ni Pangulong Duterte.

Katropa umano ng kandidato ang mga anak-mayayaman sa Davao at sa Metro Manila at may-ari ng pinakamalaking banana plantation sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ano, bakit ang Pilipino parang lokong-loko na supporting… Magtanong lang ako sa inyo, ano ang ginawa niyan? Nagdo-droga `yan ng cocaine ang tirada n’yan, itong anak ng mga mayaman lahat dito sa Maynila pati sa Davao. Isang grupo `yan. Tirada n’yan cocaine,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya nang-iintriga at bahala aniya ang taumbayan na tumuklas sa katauhan ng binanggit na kandidato.

“Hindi ako nag-iintriga. Bahala kayo, find out sino. Magtanong kayo sa Davao may kilala. Ang mga taga-Maynila, `yong mga mayaman talaga. May-ari ng biggest banana plantation. Kaya nagtaka ako sa mga Pilipino bigla na lang. Hindi ako naiinggit. Politika naman may manalo, may matalo. Ganon rin ako noon eh kung walang suwerte eh `di wala,” wika ng Pangulo.

Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo kung sino ang presidential bet na kanyang sinasabi, nagpahiwatig ito hinggil sa pagkatao diumano ng kandidato.

“Ang akin lang pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo and he is a very weak leader, ang character, except for the name. Pero ang tatay. Pero siya, anong ginawa niya? He may made twin hands down, okay if that is what the Filipino wants go ahead,” wika pa ng Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.