Abante Tonite Interactive

Kanegahan ni Gerald damay ang pamilya

1,058

Ni Ronaline Avecilla

Nanatiling positibo ang aktor na si Gerald Anderson sa mga isyu na kinakaharap niya ngayon. Sila ang naging sentro ng showbiz news at social media dahil sa mga kontrobersiya tungkol sa hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo at sa pagkakadawit ng kanyang heroine sa pelikulang “Between Maybes” na si Julia Barretto.

Mabuti na lamang at abala ang aktor sa kanyang military training para mabaling ang atensyon niya dito kaysa sa isyung kinakasangkutan niya.

Ibinahagi niya kung paano siya nagpapalamig sa isyu.

Ayon sa aktor, nilalabanan niya ang mga negatibong kinakaharap sa pamamagitan ng pagiging positibo. Kaya nais niyang i-divert ang negative energy sa mabuting paraan. Ang goal umano niya ay mas maging better na Gerald Anderson.

Aminado kasi siya na magsimula nang pumutok ang intriga ay naapektuhan siya lalo na ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya. Nahihirapan umano siya na makita silang nasasaktan at madamay sa negang isyu.

Ang importante sa lahat ay may natutunan ang aktor sa pagsubok na dumating sa buhay niya.

Sa ngayon ay abala si Gerald sa kanyang miltary ­training at matapos nito ay sasabak sa basketball para sa nalalapit na All Star Game 2019.