Abante Tonite Interactive

Kang Daniel adik sa pelikula

225

Inspirasyon ni Kang Daniel sa pagsusulat ng kanta ay ang mga pelikulang napapanood nito. Isa palang movie addict ang dating center ng grupong Wanna One.

At wala itong pinipiling genre, halos lahat daw ng klase ng pelikula ay pinapanood ni Kang Daniel. In fact, confident itong sabihin na mahigit isang libong movies na ang napanood niya.

Nu’ng September 12 episode ng “Naver Now’s Kang Daniel Show”, napag-usapan ang tungkol sa extreme love niya ng movies.

At dito niya inamin na mahigit sa isang libong pelikula na ang napanood niya at palagi siyang may downloaded movie sa cellphone niya.

Ayon pa sa singer, “There is not a single genre that I do not enjoy. I like watching movies to the point that I can say it is what brings me joy.”

Nilahad din ni Kang Daniel ang tatlo sa pinakapaborito niyang pelikula na napanood na niya. Puwede rin niyang i-recommend sa lahat.

Ang una na rito ay ang “Lord of the Rings” series. Ikinuwento rin niya ang memories niya of watching it with his father. At sa sobrang gusto raw niya ng movie, may pitong beses na raw siguro niyang pinanood ang series nito.

Pangalawa naman sa list niya ang “Harry Potter” series. Na katulad din ng iba, binasa rin daw muna niya ang libro bago niya pinanood ang movie.

Sabi pa ni Kang Daniel, “My favorite is ‘Harry Potter and the Goblet of Fire’ because I remember how the film gave me goosebumps while watching it as a child.”

Pangatlo naman ang pelikulang “Jumanji: Welcome to the Jungle”. Sabi pa nito, it seemed crazy raw to him how the long characters had to stay in the jungle due to the game. Sinabi rin niya na kung isa raw siguro siya sa mga karakter sa movie, baka raw hindi na lang siya maglaro ng game dahil takot siya sa mga bagay na hindi siya familiar.

Sa isang banda, simula nang mapaboran si Daniel ng korte sa dati niyang management agency at nagtatag na lang ito ng sariling management, ang KONNECT, nagtuloy-tuloy na nga ang mga promotions ng singer.

In fact, isa si Kang Daniel sa mga Korean stars na magkakaroon din ng solo show sa bansa. Ang show niya sa Manila ay sa October 19 at isa ito sa series of fan meetings ng “Kang Daniel Fan Meeting: Color on Me”. Magkakaroon din siya sa Singapore, Bangkok, Taipei, Kuala Lumpur at Sydney.

Hindi ito ang unang pagkakataon na mag-show ni Kang Daniel sa bansa. Dati ay kasama niya ang Wanna One noong September 2018. Nag-concert din sila sa MOA Arena though this time, as a soloist na siya.