Abante Tonite Interactive

Kang Dong Won isnabero sa commercial film

By
222
tonite-annyeong-rose-garciaHindi kami magugulat kung may mapapataas ang kilay dahil sa statement ng South Korean actor na si Kang Dong Won na hindi siya masyadong gumagawa ng commercial film.
As we all know, big deal naman talaga sa kahit sinong mga celebrity mapasikat man o hindi ang makagawa ng mga CF. In a way, nagiging measurement din ang mga CF ng pagiging trusted at kredibilidad nila bilang isang artista.
At mukhang si Dong Won lang yata ang nagbabawas sa pagtanggap ng CF dahil katwiran niya, “actor” daw  kasi siya.
Ipinaliwanag naman niya sa recent interview niya para sa bagong pelikula, ang Illang: The Wolf Brigade with Han Hyo Joo na ang pinanggagalingan niya sa statement nito.
Ayon kay Dong Won, “I try to minimize CF filming as much as I can so I can film more movies. I think doing one production a year is too little. But you spend about 3-4 months per movie for promotions.”
Pakiramdam daw niya, dahil din sa ilang buwang promotion ng pelikula, kung gagawa pa siya ng mga CF ay masyado na siyang mae-expose.
“I get exposed to the public that much and I’m afraid people might think ‘It’s him again’ if I appear on CFs too.”
Sa isang banda, next month, September ay magsisimula na rin si Dong Won ng shoo­ting para sa Tsunami LA.” Magsisilbi rin ito na debut ni Dong Won sa Hollywood.
Dapat nga raw ay noong July pa ito nagsimula ng shooting, pero nagkaroon lang ng delay.
Ayon sa actor, “Tsunami LA starts fil­ming in September. To be honest, it should’ve started filming by now if things went according to plan, but it’s turned out this way. I think it’ll start filming in September.
“It’s not simple to prepare for a foreign pro­ject and not be able to attend to a Korean project for months. I feel like it’s unbelievable that I’ll be speaking in a second language as well. I go and do the best I can, but sometimes I think, ‘I’ve done something really impossible.’ I also think about how I would’ve lived well if I had just done what I usually do as well, but I don’t like doing that either. I have to try.”