Abante Tonite Interactive

Kang Ha Neul , Lee Tae Eun 2 taon ang relasyon

572

Maingay ang balita na dalawang taon na raw na may relasyon ang South Korean actor na si Kang Ha Neul at ang musical actress na si Lee Tae Eun.

Si Kang Ha Neul ay unang nakilala sa theater kaya hindi nakagugulat kung sakaling nagkagustuhan sila . Swak sila dahil pareho ng interes.

May 2019 nang matapos sa kanyang mandatory military service si Ha Neul .Habang nasa military ito, nakagawa siya ng musical play, ang military musical na Shinheung Military Academy kunsaan sila nagkakilala.

Sa report ng Star Daily News, “The two met at Shinheung Military Academy and developed into a couple. They have been dating for 2 years and even went on a vacation together.”

Bukod sa naturang musical, nagsama pa ang dalawa sa dalawa pang military musical, ang Paldo at Nepal.

Pero mariin itinanggi ng TH Company, agency ng actor, ang ‘dating’ issue ng dalawa.

Ayon sa inilabas na statement ng TH Company, “It’s true that the two went on a vacation together, but they are just close colleagues. The trip in question also included 4 or 5 colleagues who were also a part of Shinheung Military Academy.”

Si Kang Ha Neul ang male lead ng drama na When Camellia Blooms .Nagsilbi niya itong comeback from military. Ang naturang drama ang isa sa nagtala ng mataas na ratings.

Tonite – Wendys Inhouse Ad