Abante Tonite Interactive

Kang Ji Hwan inamin ang panggagahasa

351

Inamin ni Kang Ji Hwan ang lumabas na scandal niya last week. Ito’y ang rape at sexual assault sa dalawang babaeng staff o empleyado ng kanilang agency.

Mula sa party ng kompanya, sa isang room na natulog ang dalawang female staff dahil nakainom na. Pinasok umano ng aktor at pinagsamantalahan nga raw.

Noong July 9 ay pinuntahan ng mga pulis ang aktor para imbestigahan. Noong July 12 ay nag-file na ng official warrant of arrest sa kanya.

Nitong July 15, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel, inamin na nga ni Kang Ji Hwan ang ginawang kasalanan.

Narito ang lumabas na statement ng HwaHyun Law Firm:
“This is Kang Ji Hwan. I admit to all charges and I bow my head and sincerely apologize to the victims that I have hurt greatly with my irreparable wrong- doing. I want to also apologize to everyone that I have concerned because of this. I will accept punishment for my crimes and make atonement.

“I apologize profusely.”
Pirmado ito ni Kang Ji Hwan.

Ang agency naman ng aktor na Huayi Brothers Korea ay tinerminate na rin ang kanyang kontrata.

Dahil sa ginawang ito ni Kang Ji Hwan, kailangan niyang harapin hindi lang ang mga negatibong komento na mababasa niya mula sa mga netizen kundi pati ang legal na parusa sa nagawa niya.

Naapektuhan din ang kasalukuyan niyang drama sa TV Chosun na “Joseon Survival.” Si Seo Ji Suk ang nahanap na kapalit niya.