Abante Tonite Interactive

Kang Ji Hwan inaresto sa panghahalay

0 376

May panibago na namang scandal na lumabas sa Korean entertainment, this time, ang Korean actor na si Kang Ji Hwan ay inaresto dahil sa diumano’y sexual assault na ginawa nito.

Inaresto ng mga pulis ang actor sa kanyang tahanan sa Gwangju noong July 9 at 10:50 p.m KST.

Ang mga biktima ay ang dalawang empleyado raw ng kanilang agency. Tinawag muna ang mga ito bilang sina A at B. Nakainom daw ang mga ito at g­aling sa company dinner. Nang gabi rin na yun, pumasok daw ang actor sa room kunsaan ay natutulog ang dalawang babaemg empleyado. Si A ay na-rape raw at si B naman ay nag-suffer raw ng indecent assault.
Nagawang makapag-text ni A sa kaibigan at dito niya sinabing, “I had some drinks at actor Kang Ji Hwan’s house, and now we’re trapped.”
Pinakiusapan nito ang tinext na kaibigan sa Seoul na ireport ang nangyayari.

Abante Hiring – IT dep

Nang dumating nga ang pulis sa bahay ni Kang Ji Hwan, sinabi ni A na natutulog sila nang pumasok at i-sexual assault siya ng actor.

Itinanggi naman ito ng actor nang nasa police station na. Ayon dito, “I remember having drinks, but I don’t remember anything after that. When I opened my eyes, I was in the room where [‘A’] was sleeping.”
Magkakaroon pa rin daw ng interogasyon dito. Si Kang Ji Hwan ay kasalukuyang may drama, ang TV Chosun “Joseon Survival.” Pero dahil sa nangyari scandal, hindi muna raw eere ang naturang drama.