Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kang So Ra buntis

0 102

Nang ikasal si Kang So Ra noong August, marami ang nagulat sa biglaang announcement nito. Lalo pa nga’t nasa pandemic pa at marami pa rin ang cases ng COVID-19 kahit sa South Korea.

That time pa lang, may mga nagduda na baka raw buntis na ito kaya biglaang nagpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend . Nagulat din ang mga fan na may karelasyon pala ito.

Itinanggi naman ng management ng actress na biglaan ang naging kasal nito noong August. Just the same, three months after, ang balita na buntis na ito ngayon ang lumabas naman sa mga balita.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabuhay muli ang hinala ng netizens at ilang fans na buntis na ang actress bago pa man ikasal sa pregnancy announcement. Kinumpirma ng Plum Actors na buntis na nga ang actress, pero hindi raw ito pre-marriage baby.

Ayon sa Plum Actors, “Kang Sora is expecting a baby next spring.” Ibig sabihin April ang posibleng due date nito.

Ilan sa mga kilalang drama ni Kang So Ra ay ang Doctor Stranger, Misaeng: Incomplete Life at Revolutionary Love.

Leave A Reply

Your email address will not be published.