Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kang Sung Hoon nagdemanda ng paninirang puri

0 207

BY: ROSE GARCIA

Nalalagay ngayon sa bad light si Kang Sung Hoon dahil sa claim ng isang netizen.

Si Sung Hoon ay kilala bilang former member ng boy group na Sechs Kies .

Ayon sa isang 18 -year-old Korean High School student na nagpakilalang kapitbahay lang daw ni Kang Sung Hoon, aksidente raw niyang nabangga ito habang may hawak na mga basura sa kanilang garbage area. Pero dahil daw sa nangyari, natapon ang lahat ng kinolekta nitong basura. Humingi naman daw siya ng paumanhin at sinabing siya na ang maglilinis, pero nagalit daw sa kanya ang singer at minura pa siya.

Yun nga lang, kahit kami ay medyo nagduda sa kuwento ng netizen dahil nasundan pa ang pagkikita nila ng sumunod na araw. Diumano’y narinig siya ni Sung Hoon na may kausap sa telepono at dahil sa nangyari sa kanya, nagawa niya itong i-badmouth sa kausap.

Maaaring magkapitbahay sila, pero, hindi naman siguro sila magkasama sa isang bahay para marinig ng singer ang phone conversation niya?

Ayon dito, sinita siya ng singer at hinawakan pa raw ang chin niya at tila itinaas. Nakaramdam ng physical at sexual assault ang netizen dahil daw sa pangyayaring yun.

Unang nag-post ang netizen sa Naver page pero, nirereklamo nito na na-delete ang post niya kaya hindi ito tumigil at nag-post pa sa ibang online sites. Ang mga fan ni Sung Hoon ang nagparating ng insidenteng ito sa kanyang manager. Ang manager ni Sung Hoon ang sumagot sa akusasyon at diretsahang itinanggi ito at sinabing “walang bahid ng kahit anong katotohanan” ang claim ng netizen. Na halatang ang intensiyon ay siraan daw ang singer.

Ayon sa manager ni Kang Sung Hoon, “Hello, this is the manager in charge of Kang Sung Hoon’s website.

The post that is circulating online about Kang Sung Hoon is not true and absolutely false.

A few days ago, several fans sent us information about a post that had been uploaded to the “N” website.

It was so absurd and groundless and clearly untrue, so instead of taking legal action, we first asked Naver to suspend the post.

However, the person shared their false post to another website and continued to make false claims and defame our artist.

We judged that this person had a malicious intent, so we filed a complaint for defamation on August 13 at the police station in Yeongdeungpo, Seoul.

We would like to state strongly once again that the situation that the person describes did not happen and that it is completely false.

We will continue to respond strongly without leniency to those who defame our artist and hurt him through false posts.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.