Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kang Ye Won tinamaan ng virus

0 93

New normal na nga yata talaga ngayon ang pagkakaroon ng COVID-19. Makakaiwas na lang talaga na maging malala ito o kakailanganin pang mag-ICU kung fully vaccinated na.

Sunod-sunod pa rin talaga ang mga nagiging COVID-19 positive sa mga South Korean stars. Ang latest ngayon ay ang actress na si Kang Ye Won.

Na-diagnose ito na may virus habang nasa kalagitnaan din ng pagpi-filming ng kanyang latest drama, ang “Just One Person.”

SM food to go Banner Ad

Nakaramdam daw talaga ito ng mga symptoms kaya nag-double test pa ng swab test hanggang sa lumabas ng ana positibo ito.
Noong October 25, ang kanyang agency, ang J-Wide Company ay naglabas ng statement na, “Kang Ye Won tested negative for COVID-19 on October 21, but due to her poor condition, she voluntarily took a retest on October 23, and she tested positive on October 24. She is following the health guidelines and maintaining self-quarantine at home.”
Lahat ng staff members ng JTBC’s “Just One Person” na drama ay nag-test din at lahat naman daw, negative naman daw ang naging resulta. Posible raw kasi na sa iba-ibang schedule ng filming. Maging ang ibang cast din ng drama ay hindi rin daw naapektuhan.
Sa isang banda, ang Just One Person ay pinagbibidahan din nina Ahn Eun Jin, Red Velvet’s Joy at si Kim Kyung Nam .Kuwento ito ng isang terminally ill woman na pumatay ng isang masamang tao dahil mamamatay na rin naman daw siya.

Magsisimula na itong mapanood sa December kaya wini-wish na sana ay maka-recover agad ang actress at makabalik sa filming.

Leave A Reply

Your email address will not be published.