Abante Tonite Interactive

Kani-kaniyang destiny

154

Isa pa ring nakakagulat pero nakakatuwang malaman ang balitang engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ngayon.

Bagama’t alam naman ng lahat (at inaasahan) na darating ang moment ng engagement ni Matteo kay Sarah, sorpresa pa rin siyempre na hindi natunugan ng marami.

Kahit noong ginagawa namin ang “Unforgettable” na si Sarah ang bida, wala kaming hint o pakiramdam sa engagement.

Kaya tuwang-tuwa ako sa balita dahil deserve ni Sarah ang magkaroon ng everlasting love at sariling pamilya.

Nakakatawa nga, naunahan pa ako ni Sarah.

Pero iba-iba naman ang kapalaran ng bawat tao, ang destiny ni Sarah ay hindi ko destiny.

Nangangarap pa rin ako na isang araw ay magkaroon ako ng boyfriend na mag-aalok sa akin ng kasal.

Sabi nga, nothing in this world if you believe in your dreams and have faith in God.

Napakabait ni Sarah. Naobserbahan ko ‘yan kahit sa maikling panahon ng pagsasama namin.

Napakalaki niyang artista pero napaka-humble niya.

Ipagdadasal nating magtuloy-tuloy ang mga bles­sings niya sa buhay at pa­tuloy ring maging maganda & smooth sailing ang tatahakin nitong journey sa pag-aasawa.